Monday, July 20, 2009

June 1991, Pinatubo eruption. Kakagraduate ko lang ng high school. Napakadilim ng paligid. Takot ang mga tao, hindi malaman kung saan pupunta, kung ano ang gagawin, tanging nasa isip ay kaligtasan. Walang ibang sambit kundi mga dasal upang mabuhay. Ako, wala lang. Patingin-tingin sa paligid, habang umuulan ng buhangin. Iba-ibang mukha ang nakikita ko, hindi ko alam kung sino. Ang hirap pala, akala ko katapusan na ng mundo. Naisip ko lahat ng napagdaanan ko sa buhay. Hanggang dito na lang ba ang buhay ko? Sayang... yun lang pala yun.

May dumating na mga bus papunta daw Maynila, sumakay kami ng mga kapatid ko kasama ng lola ko. May pinsan daw sya sa Makati, dun muna kami. Ang tagal ng byahe, mahigit anim na oras na akong nakatayo hindi pa rin kami nakakarating ng Maynila. Ganun ba talaga yun kalayo.

Hindi naman kami mayaman, pero sa tingin ko hindi kami naghirap. Halos nasunod lahat ng gusto namin, kahit na hindi kami matatawag na isang "regular" na pamilya. Sinikap ng mga magulang ko maibigay ang mga pangangailangan namin. Hindi nga kami nasanay sa mga gawaing bahay kasi may laging nag aasikaso sa amin.

Doon kami pansamantala sa pinsan ng lola ko. Doon na din ako nag college malapit sa bahay nila. Walang tuition, kailangan lang ipasa ang entrance exam nila. Matapos maayos ang bahay namin sa probinsya, umuwi na din ang mga kapatid ko. Ok naman sila dun, balik na sa dati, pumasok na din sila sa eskuwela. Pero sabi nila hindi na daw tulad ng dati ang buhay, mahirap na daw kasi nagsara na ang air base.

Ang hirap pala ng makisama. Kapalit ng pagtira namin sa bahay ng pinsan ng lola, naglilinis kami, tumutulong sa gawaing bahay, nag aalaga ng bata. May katulong naman sila, pero sa dami ng gawain hindi kaya. Ang alam ko nga pinaalis nila yung isang katulong kasi dun na kami ng tiyahin ko titira. Binibigyan nila ako ng pamasahe papuntang school. Sa gabi ang klase ko, sa umaga kasi maraming gawain sa bahay, kailangan kong makatulong para hindi naman nakakahiya makitira. Pero hindi ako tumagal.

Nang matapos ang 1st sem nagpaalam ako sa bahay. Tutol nga ang tiyahin ko kasi pano daw ako mabubuhay, mahirap sa Maynila. Pero hindi ako nagpapigil. Nag board na lang ako malapit sa school. Naghanap ng trabaho at natanggap naman bilang part time saleslady. Mas nagustuhan ko ang buhay ko nang ganun. Kumikita at gumagastos ng sariling pera. Kahit puro contractual ang pinapasukan ko ay ok lang. Hindi naman ako nahihirapang maghanap ng kapalit na trabaho. Natatanggap ako kaagad. Ok naman, sama sa katrabaho, pasyal, nood ng sine, pero kagaya ng high school... di ganun kasaya.

Wala kasi akong matatawag na barkada. Pero wala naman akong sinisisi. Alam ko naman kasing nasa aking problema, mas gusto ko kasi ng tahimik at nag iisa. Hindi naman ako ganun ka-aloof. Nagka boyfriend ako nung 3rd year high school ako. After more than one year nagbreak din kami kasi nabuntis nya yung kaibigan ng ate nya ba yun o pinsan, ewan di ko na maalala. Ayun, tapos nun wala na. Sabay na lang ako sa agos ng buhay.

Tuwing day-off ko umuuwi ako ng probinsya, lalo na kung natatapat ng sunday or holiday. O kahit hindi, kahit saglit, umuuwi ako. Lalo na nung makilala ko ang kaibigan ng kapatid ko. Ewan ko kung bakit pero mas napadalas ang uwi ko, dati every 2 months naging once a month, naging once a week. Mas mahaba pa byahe ko kaysa sa stay ko dun, ano ba...


Tuesday, April 7, 2009

e-load


ok naman ang kita sa pag e-load lalo na sa globe kasi di kailangan ng maintaining airtime balance para makapag e-load, kahit zero balance ka na, makapagload ka pa din.

wala pa akong e-load ng sun cellular, pag dating ng husband ko galing abu dabhi bibili na ako ng retailers sim.

Sunday, April 5, 2009

starting a business

we always having a hard time buying one of our favorite merienda, ice cream, since moving from novaliches to deca homes, marilao.

we have take two (2) tricycle rides to reach the nearest ice cream store & by the time we got home, hay naku tunaw na ice cream!

so i decided to sell ice cream...

i started with 5cuft hardtop chest freezer, now i am using 7cuft & currently requesting for 9cuft from selecta.